

Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mg tanong na di mawari sa aking isipan.īilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap.
